Friday, June 24, 2011

Ted Failon is on Trending Topic in Twitter (Late Post)



Nag trend sa sikat na social networking site na twitter si TV Patrol main anchor, Ted Failon dahil sa maling pronounciation nito sa pangalan ng international artist na si Miley Cyrus sa report sa TV Patrol.

SABADO SA FAILON NGAYON! (06.25.2011)

Dahil lang sa gitgitan sa paglabas ng gate ng eskwelahan, dalawang high school students ang na-ospital dahil sa mga saksak na kanilang natamo.

Ang may kagagawan: isa nilang ka-eskwela.

Paano naipasok ng estudyante ang patalim na ginamit panaksak? Dahil menor de edad pa lang ang suspek, ano ng kanyang magiging kinahinatnan?


Abangang ang buong kwento sa FAILON NGAYON!
Sabado, 4:15 hanggang 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!


FAILON NGAYON!
Dahil ang SOLUSYON at AKSYON ay dapat NGAYON!

video

Friday, June 10, 2011

ABANGAN BUKAS SA FAILON NGAYON!


Umabot na sa tumataginting na P50 billion ang nawaldas na pera ng PCSO, mas malaki pa kaysa sa mga nakaraang NBN ZTE Scam at Fertilizer Fund Scam.

Isa sa mga nakakapag-takang mga transaksyon ng PCSO ay ang kanilang kasunduan sa TMA, isang Australian Company na nagsusupply ng thermal paper. Ang nasabing kasunduan ay tatagal umano ng 50 years, at kung hindi maipakansela ng kasulukuyang gobyerno ng PCSO, aabot na sa P42 billion ang perang mabibigay ng PCSO sa TMA.

Bakit umaabot ng ganito ang mga gastusin ng PCSO? Mayroon bang ibang nakikinabang sa kanilang mga transaksyon?

Abangan ang buong kwento bukas ng hapon sa Failon Ngayon!
Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!

Friday, June 3, 2011

ABANGAN SA FAILON NGAYON!

Episode Date: June 4, 2011

65 na saksak. Positibong hinalay. Natagpuang walang buhay na lumulutang sa isang ilog sa Bocaue, Bulacan.

Ito ang karumaldumal na sinapit ng apat na taong gulang na si Monica Venice Velasquez o mas kilala bilang si Binang. Pangalawa si Binang sa apat na anak nila Michael at Maricel Velazquez.

Ayon kay Maricel, Linggo ng hapon nang kanyang matanto na nawawala ang kanyang anak na si Binang. Sinubukang hanapin ni Maricel ang nawawalang bata ngunit hindi niya ito mahanap. Matapos ang isa’t kalahating oras, nakita ni Maricel ang kanilang kapitbahay na si Michael dela Buena, 19 na taong gulang. Nang makita nila si dela Buena, kahina-hinala ang kanyang itsura dahil siya’y putikan, tuliro, at naka-salawal lamang.

Nang tanungin si dela Buena kung siya’y may kinalaman sa pagkakawala ng bata na si Binang, ‘di siya umiimik, kahit na siya’y pinag-bubugbog na ng mga kapitbahay.

Kinabukasan ng umaga, natagpuan sa isang puno malapit sa ilog ang shorts ng pinaghihinalaang si dela Buena at ang salawal ng nawawalang si Binang na nakasabit sa sanga. Ang pinaka-masakit na kanilang natagpuan ay ang lumulutang na bangkay ng nawawalang bata.

Napag-alaman na positibong kay dela Buena ang natagpuang shorts malapit sa ilog. Sinampaan na siya ng kasong Rape with Murder at siya’y kasulukuyang naka-piit sa munisipyo ng Balagtas. Maliban sa nag-yari, napag-alaman din na si dela Buena ay nagkaroon na ng kaso sa kanyang tinubuang lugar ng Angeles, Pampanga.

Pag-aaralan ng FAILON NGAYON kung ano ang tumatakbo sa isipan ng isang tao para maka-gawa ng ganito ka-brutal na krimen at kung paano niya nahikayat ang apat na taong gulang na bata na sumama sa kanya.
Alamin ang buong kwento BUKAS NG HAPON sa FAILON NGAYON.

Dahil ang Solusyon at Aksyon ay Dapat Ngayon!
Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report
 from: Failon Ngayon Fan Page

Failon Ngayon: Binang

ABANGAN NGAYONG SABADO SA FAILON NGAYON!

Isang apat na taong batang babae ang walang awang hinalay at tinadtad ng saksak. Ang salarin: isang 19 year old na binatilyo.

Anong hirap ang pinagdaanan ng napatay na musmos at anong klaseng pagiisip ang meron ng tao na kayang gumawa nito?

Abangan ang kwento ngayong Sabado sa Failon Ngayon!
4:45 ng hapon, after ABS-CBN Special Report!