Wednesday, July 20, 2011

Sa Sabado sa Failon Ngayon (07.23.2011)





Sa edad na 15, limang buwan nang nagdadalang tao ang menor de edad na si "Dianne."

Ang pinaka-masaklap dun, ang kanyang ipinagbubuntis ay bunga ng panghahalay ng kapitbahay na 40 years old. 



Alamin ang buong kwento ni Dianne ngayong Sabado sa FAILON NGAYON!

Failon Ngayon
Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!

Thursday, July 7, 2011

SABADO SA FAILON NGAYON! (07.09.2011)



Nitong linggo, laman ng balita ang diumano'y pang-aabuso ni Diamond Star Maricel Soriano sa kanyang mga kasambahay.

Hindi na kakaiba ang kwentong ito sapagkat nitong nakaraang taon lang, mas matindi ang dinanas ng 18 taong gulang na si "Rachel". Namasukan si Rachel sa isang tahanan sa Manila, at sa apat na buwan niyang nagtagal sa pinapasukan, apat na buwan din niyang tiniis ang pambubugbog ng kanyang amo.

Maliban doon, hindi din siya sumesweldo at hindi din pinapakain, at nang muli siyang bugbugin, napilitan na siyang lumapit sa awtoridad at ireklamo ang kanyang amo.




Abangan ang kwento ni Rachel at iba pang mga isyu sa FAILON NGAYON!

Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!
 
from: Failon Ngayon!

Saturday, July 2, 2011

Sabado sa Failon Ngayon!


Isa sa pinaka-mahirap na trabaho ay ang pagpapasada ng Taxi. Dagdag pa sa hirap na iyon ay ang panibagong Modus Operandi ng mga carnapper kung saan ang nagiging biktima ay mga tsuper ng taxi.

Ganyan ang naging karanasan ni Mang Edwin Benoso. Sa tindi ng karahasan na kanyang idinanas, kinailangan siyang operahan sa bituka.

Ano ang naging karanasan ni Mang Edwin?

Abangan ngayong Sabado sa FAILON NGAYON!

Sabado, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!




video teaser