Thursday, July 7, 2011

SABADO SA FAILON NGAYON! (07.09.2011)



Nitong linggo, laman ng balita ang diumano'y pang-aabuso ni Diamond Star Maricel Soriano sa kanyang mga kasambahay.

Hindi na kakaiba ang kwentong ito sapagkat nitong nakaraang taon lang, mas matindi ang dinanas ng 18 taong gulang na si "Rachel". Namasukan si Rachel sa isang tahanan sa Manila, at sa apat na buwan niyang nagtagal sa pinapasukan, apat na buwan din niyang tiniis ang pambubugbog ng kanyang amo.

Maliban doon, hindi din siya sumesweldo at hindi din pinapakain, at nang muli siyang bugbugin, napilitan na siyang lumapit sa awtoridad at ireklamo ang kanyang amo.




Abangan ang kwento ni Rachel at iba pang mga isyu sa FAILON NGAYON!

Sabado, 4:45 ng hapon, pagkatapos ng ABS-CBN Special Report!
 
from: Failon Ngayon!

No comments:

Post a Comment