Showing posts with label Pinky Webb. Show all posts
Showing posts with label Pinky Webb. Show all posts

Tuesday, May 24, 2011

Features: Brigada Eskuwela at Wakas Elementary School in Kawit, Cavite


Kasalukuyang isinasagawa ang "BRIGADA ESKUWELA" ng Department of Education sa lahat ng mga paaralan sa Pilipinas kung saan sama-sama ang mga guro, estudyante at mga magulang nila pati na ang mga volunteers na naglilinis at nag-aayos ng mga silid-aralan at lahat ng paligid ng paaralan

Nakiisa rin sina Ted Failon at Pinky Webb ng "Tambalang Failon at Webb" at ng team ng "Failon Ngayon" sa paglilinis at pag-aayos ng mga silid-aralan sa Wakas Elementary School sa Kawit, Cavite.


Nag-story teller din si Ted Failon sa mga estudyante ng Wakas Elementary School matapos nila maayos at malinis ang bawat silid-aralan.



Other Photos of Brigada Eskuwela at Wakas Elementary School.













Friday, May 20, 2011

DZMM Anchors, Nagpakitang-gilas sa 25th Anniversary Trade Event


Inilabas ng mga anchors ng DZMM ang kanilang angking-galing sa pagkanta at pagsayaw sa katatapos lang na Trade Event ng DZMM 25th Annversary. sa One Esplanade.

Hinaranaan ng duo ng Dos por Dos na sina Anthony Taberna at Gerry Baja ang mga naggagandang Binibining Pilipinas winners. Si Philippine Prince of Pop, Eric Santos  ay humarana naman para sa mga magagandang female anchors na sina Pinky Webb, Jasmin Romero and Gretchen Fullido sa awiting "Beautiful my Eyes".

Nakatambal naman ni Alex Santos si Toni Gonzaga nang awitin nila ang "Just the Way You Are", ang classic song ni Billy  Joel while DJ Chacha sang the modern song of  "Just The Way You Are" by Bruno Mars duet with Jericho Rosales. It combine the two same title but different music and lyrics.

Humataw sa sayawan ang mga anchors and reporters kasama ang mga sexy sina Bangs Garcia at Nina Dolino.

Also the finalists of "Star Power 5" performed in the event.

Hindi naman magpapahuli ang "Tambalang Failon at Webb" sa duet medley nila ng "Fallin," "This Guy Is In Love With You, Pare" and "Don't Cha". 

"Either kumanta ako o mawalan ako ng trabaho, kumanta na lang ako (laugh). Ayoko mawalan ng trabaho. Ayoko pang matanggal sa DZMM" masayang pahayag naman ni Pinky Webb sa isang interview matapos ito magtanghal.

At si Karen Davila naman ay sumayaw at umaawit din katambal si Manila Radio Head, Peter Musngi sa huling bahagi ng event.

posted by: KeepSoYoung
from Kapamilya Anchors and Reporters Online